Ang Abalin na kilala sa tawag na Abeleng o Tateg. Ito ay isa sa pinakamasarap na exotic food na matatagpuan sa Cagayan Valley na paboritong kainin ng mga Ilocano, Itawes at Ibanag sa ating bansa.
Ang abalin ay ang larva ng Salagubang at kalimitang nahuhukay sa mga pampang ng ilog at bukirin.
Sinasabing ang Abalin ay sagana sa mga buwan ng tag-ulan. Sa mga panahong ito, makikita ang karamihan sa mga magsasaka na umaani ng Abalin sa mga bukirin at pampang ng ilog sa Cagayan. Ito ay karaniwang binebenta sa mga kalsada at kadalasan sa palengke.
Bukod sa masarap, ang Abalin ay sinasabing mayaman sa protina.
Popular din ang pagkain ng Salagubang o Simmawa at ng Ganta na isang uri ng tipaklong ngunit ang Abalin parin ang pinakamasarap sa mga taga Cagayan Valley.
No comments:
Post a Comment