Sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong Miyerkules, pinangako nitong palalagyan niya ng tv ang bawat selda sa bilangguan.
We would want to give them everything but I told them, each and every cell would have a TV by the end of the month. That's what I can give you for now," pahayag ng Pangulo.
Ito ay nangangahulugan na pati ang mga high-profile inmates sa kampo tulad ng pinaghihinalaang mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles ay magkakaroon rin ng telebisyon sa kanilang selda. Kasama sa iba pang mga nakakulong na mga bilanggo si Maute matriarch Farhana Maute, at mga suspek sa masaker sa Maguindanao.
Ayon sa Pangulo, kinakaawaan niya ang mga bilanggo dahil wala man lang silang libangan habang pinapalipas ang oras sa bilangguan.
"Nakakaawa naman 'yung mga preso, walang libangan," aniya.
No comments:
Post a Comment