Kinumpirma ng Malacañang noong Huwebes na nagpunta nga si Senator Antonio Trillanes IV sa US upang makipagkita kay US Senator Marco Rubi.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, umaasa ang Malacañang na hindi nagbigay si Trillanes ng 'biased information' sa kanyang pagbisita sa US dahil sa napabalitang sinadya nitong kumbinsihin ang mga US senators upang pigilan si US President Donald Trump sa pagbisita nito sa bansa.
"We do hope the correct information has been given and not biased information designed to adversely affect Philippines-US relations," pahayag ni Abella sa isang news conference.
“On whether the senator went to the US to ask some sectors to convince the US President not to visit (the Philippines), the Palace is not privy to that,” dagdag pa niya.
Kinumpirma naman ni US Senator Rubio ang pakikipag-usap kay Trillanes. Aniya, pinag-usapan nila ang US-Philippines alliance, paglaban sa katiwalian at pagprotekta sa mga karapatang pantao sa gitna ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
No comments:
Post a Comment