Naiyak si Jukebox king April Boy Regino habang ipinapahayag ang kanyang labis na pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtulong sa kanyang makakita muli.
Si Regino, na nawalan ng paningin dahil sa diyabetis, ngayon ay dahan-dahan nang nagpapagaling at inihayag sa Davao media kung paano siya tinulungan ng Pangulo sa mga panahong lugmok siya at wala ng pag-asang mabuhay pa.
Ayon kay Regino, hanggang ngayon ay patuloy parin siyang sinusuportahan ni Duterte. Sa hating hapunan sa Matina Enclaves noong Biyernes ng gabi, hindi niya umano inaasahang tatawagin siya ng Presidente.
“Wala na po akong ganang kumanta. Simula po nung nabulag ako eh, parang bang nawalan na ako ng pag-asa sa buhay ko, nawalan na ako ng ganang mabuhay, kaya hindi ko na inisip na kakanta pa uli ako,”
“Maraming, Maraming salamat po mahal na pangulo, Kaya po ako bumangon," pahayag ni Regino.

No comments:
Post a Comment