May mga balita at mga post na kumakalat ngayon sa social media na nagsasabi na ang HIV positive na manggagawa ng Pepsi ay nakontaminado ang mga bote ng Pepsi. Ang isang larawan kasama ang isang post ay naging sentro ng pansin.
Ito ang post na kumakalat sa social media, "An HIV Pepsi worker, who added his blood into the public supplies. This is the guy who added his infected blood to Pepsi. For the next few weeks do not drink any products from Pepsi, as a worker from the company has added his blood contaminated with HIV (AIDS). It was shown yesterday on Sky News. Please forward this message to the people who you care.”
Ayon sa mga kamakailang update sa bagay na ito, hindi ito umano totoo. Ang lalaking nasa larawan na sinasabing isang manggagawa ng Pepsi ay isa palang Nigerian terorist na si Aminu Ogweche. Siya ang taong nasa likod ng Nyanya bombings noong 2014. Ang larawan na na-post sa social media ng lalaki ay kinuha noong siya'y inilipat sa Nigerian security agency ng International Police, INTERPOL.
Gayundin, sinasabing sinimulan ng Sky News ang kuwentong ito ng HIV sa mga bote ng Pepsi. Ito rin aniya ay hindi tama dahil giit ng Sky News, kailanma'y hindi sila nag-ulat ng ganoong balita.

No comments:
Post a Comment