Isang 'concerned drug adik daw ang nagreklamo na may kasamang lason ang kanilang binibiling shabu kaya't sinalakay ng mga awtoridad ang isang drug den kung saan kanilang naaresto at nahuli ang umano'y mastermind kasama ang lima pa niyang parokyano at doon na lamang nila napagtanto na ang shabu na kanilang nirerepack ay hinahaluan pala ng nakalalasong pulbo ng mga bumbilya.
Dahil naging positibo ang test by ng pulisya ay agad silang kumilos upang dakpin ang mga pasimula ng mga drogang may lason. Sa bukana ng isang compound sa Payatas natagpuan ang apat na lalaki na kasalukuyang naghihintay daw sa drogang tinatarya sa loob at dahil madilim sa loob ay hindi namalayan ng isa na pulis pala ang nilapitan nito para pagbentahan sana ng droga at doon na siya naaresto. Pagkapasok ng mga kapulisan sa bahay ay agad nilang hinalungkat ang loob at doon nila nadatnan ang iba pang mga suspek na nagtatarya. Narekober na din ang iilang mga shabu at ang kanilang mga kagamitan at mga basag na bumbilya.
Ang kanilang inihahalo pala ay ang mga puting coating na nakbalot sa loob ng bumbilya at kanilang inilalagay kasabay sa shabu. Kahit halata na ang ebidensiyang nakikita ay itinanggi pa rin ito ng may ari ng drug den at sinabing nalaglag lang daw ang mga bumbilya pero agad namang siyang binuking ng kanyang mga kasamahan at sinabing totoo ngang hinaluan nila ito ng nakalalasong pulbo galing sa bumbilya.
Mahaharap ang mga suspek sa paglabag ng Anti Ilegal Drugs at kasalukuyang hawak na sila ngayon ng Pulisya.

No comments:
Post a Comment