Isang dalagang nagngangalang "Wendy", 17-taong gulang mula sa Mexico Pampanga ang nilibing nitong Sabado at nagulat ang pamilya ng makitang tinapalan ng semento ang naalis na nitso ng kanilang anak matapos itong bisitahin ng linggo.
Nadatnan ng pamilya ang bangkay malayo sa nitso, nakalabas sa kabaong, wala ng saplot at nakataas pa ang paa nito.
Suspetsa naman ng pamilya ng dalagita, ginahasa ang kanilang anak kung sinumang naglabas nito. Iniimbestigahan naman ng pulisya ang nangyaring insidente at tinutukoy parin ang posibleng salarin.
Samantala, kung mapatunayang ginahasa ang bangkay, maaaring sampahan ng "malicious mischief" ang salarin sapagkat itinuturing ng isang bagay ang bangkay hindi tao.
No comments:
Post a Comment