Ang determinadong pagsisikap ni Senador Antonio Trilllanes upang pahinain at sirain ang Pangulong Rodrigo Duterte ay nagsimula dahil gusto niyang matamo ang pinakamataas na posisyon ng bansa.
Sa isang interview, sinabi niyang kilala niya si Duterte ng "personal" at nagulat siya sa totoong pagkatao nito.
" Kinikilala ko siya at nakilala ko siya ng personal. Marami akong impormasyong nakuha sa kanya, kaya noon pa lang hinaharang ko na ang pagkapanalo nito kasi alam ko magiging disaster ito sa ating bansa." pahayag ni Trillanes.
Naalala niya pa daw ang pag-uusap nila ni Duterte noong nakaraang eleksyon na naipasok daw sa kanilang usapan ang pagpatay ng mga tao.
"Parang kinilabutan ako para sa bansa. Parang may problema ang mamang to. Iyong utak niya pang hitman." saad pa ni Trillanes.
Dagdag pa niya nung nalaman niya raw na tatakbo si Duterte bilang pagka presidente talagang nagsagawa siya ng plano para harangin ito dahil alam niyang maraming mamatay at tama naman daw ang hinala niya dahil iyon na ang nangyayari sa bansa ngayon.
Pero sa kabila ng pang aacusa ni Trillanes sa Presidente gaya sa isyu sa Davao Death Squad at sa nagpakilalang hitmen niya raw na si Edgar Matobato ay "no comment" na lamang ang Presidente.
No comments:
Post a Comment