Muling hinukay ang labi ni Jenny Rose Jacinto, apat na taong gulang mula sa Ilagan City, Isabela matapos umanong magparamdam at sabihin ng albularyong buhay pa ito kung kaya't inilabas ito sa kanyang nitso at ataul.
Nagulat ang marami sapagkat malambot pa ang bangkay kahit na ilang araw na itong patay. Nagawa pa umanong umihi at dumumi ng bangkay habang binabantayan ito ng kanyang mga kamag-anak kaya pinapalitan parin nila ang kanyang diaper. Pinapainom rin umano ang bata sa pamamagitan ng pagpapatulo ng tubig sa kanyang bunganga.
Nakuhanan naman ng larawan ng RMN News Team ang namuong dugo sa dulo ng daliri at paa ng bata habang ito ay nilalamayan sa pangalawang pagkakataon.
No comments:
Post a Comment