Inamin ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa mga Senador na tamad ng magtanim ng palay ang maraming magsasaka dahil umano sa mga natatanggap nilang ayuda mula gobyerno partikular ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD.
Ayon kay Piñol, dumarami na ang mga magsasakang may 4Ps at epekto nito ay hindi na sila umano nagsasaka at inaabangan nalang ang ayuda na manggagaling sa gobyerno.
"Wala na pong nagtatanim sa bukid" sabi ng isang kalihim sa komiteng pinamumunuan ni Sen. Legarda.
Samantala, inirekomenda naman ni Senador Migz Zubiri na bigas nalang ang ibigay kesa cash upang maobliga parin silang magtrabaho at maiwasan na magtambay at maghintay nalang ng ayuda sa gobyerno.
No comments:
Post a Comment