Nakuha ni Juan Noguez Ortiz, isang empleyado sa Dickey Bee Honey Farm sa Cookstown Canada ang titulong "Guinness World Record" matapos hayaang mabalot ang kanyang mukha ng mga bubuyog sa loob ng 61 minuto o mahigit isang oras.
Ayon kay Ortiz, pinanatiling kalmado ang sarili kahit ramdam na umano ang masakit na pagpasok ng stinger ng bubuyog sa kanyang balat o ang tinatawag na bee sting.
"I wanted to show people that they don't have to be scared of the bees," dagdag pa niya.
Samantala, tinalo naman ni Ortiz ang dating nakahawak ng record matapos mahigitan ito ng walong minuto.
No comments:
Post a Comment