Patay si Francisco Saligumba, 41-anyos ng General Santos City matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin nuong Martes pasado alas-otso ng umaga.
Source: ABS-CBN
Nakasakay sa tricycle ang biktima, kanyang asawa't anak, kanyang kapatid at dalawang iba pa nang mangyari ang pamamaril.
Ayon sa tricycle driver, pababa na ang kanyang mga pasahero upang magtinda sana ng plasticwares sa mga bahay-bahay nang bigla na lamang dumating ang isang lalaking nakamotor na nakasuot ng helmet at bigla siyang pinagbabaril.
Hindi naman nakilala ang salarin dahil walang plaka ang ginamit nitong motorsiklo at nakasuot ito ng helmet.
Hindi parin makapagbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima dahil nananatili parin silang gulat sa pangyayari.
Ayon naman sa kapatid ng biktima na si Christopher Saligumba,wala silang alam na posibleng nakaaway o nakagalit ng biktima dahil wala naman daw umano itong naikukwento.
Samantala, patuloy paring iniimbestigahan ng awtoridad ang pamamaslang.

No comments:
Post a Comment