Naniniwala ang abogado ni "Pork Barrel Queen" Janet Lim-Napoles na makakalaya rin ito matapos ang pangunahing akusado na si dating Senador Jinggoy Estrada ay binigyan ng pansamantalang kalayaan.
Ayon kay Atty. Dennis Buenaventura, abogado ni Napoles, maghahain din sila ng motion for bail kagaya nang ginawa ni Estrada upang makalaya rin si Napoles.
Sinabi ni Buenaventura na pananatilihin nila ang kanilang argumento na ang kriminal na impormasyon laban sa kanyang kliyente ay hindi nangangahulugan na pandarambong.
Dagdag pa ni Buenaventura, hindi umano maituturing na "main plunderer" ang kliyente lalo na't hindi ito nagtatrabaho sa gobyerno dahil ang pandarambong ay isang pagkakasala na ginawa ng isang opisyal ng publiko habang si Napoles ay isang pribadong indibidwal.
“Ang legal definition ng plunder, it cannot be. The main plunderer cannot be a private person. It should be a public officer. So if it appears like that, this is not plunder. This is something else, very different from plunder.”

No comments:
Post a Comment