22-ANYOS LAW STUDENT NG UST, PATAY SA HAZING! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Sunday, September 17, 2017

22-ANYOS LAW STUDENT NG UST, PATAY SA HAZING!





Patay ang isang first year law student ng University of Sto. Tomas (UST) na si Horacio Castillo III matapos ng diumano'y sumailalim sa hazing.


Natagpuan ang katawan ni Horacio Tomas Castillo III sa isang sidewalk sa Maynila at dinala sa Chinese General Hospital kung saan siya ay idineklarang patay pagdating ng Linggo ng umaga.

Isang lalaki na nakasakay sa motorsiklo, na bibili sana ng sigarilyo sa isang tindahan sa Balut, Tondo ang nakita sa katawan ni Castillo noong Sabado ng gabi na nakabalot sa isang makapal na kumot kung kaya't dinala niya ito sa ospital.

"Mayroon siyang mga hematoma. His body is bloated... Nakita ko, there was extensive damage in the upper arm and some burn marks, cigarette burn marks. Pinatakan ng candle wax," sabi ng Ama ng biktima.

Ayon sa mga magulang ng biktima, nag-aalangan sila na pahintulutan ang kanilang anak na sumali sa kapatiran ngunit pinayagan nilang gawin niya ito dahil tinitiyak ng kanilang anak na ang Aegis Juris ay hindi nagsasagawa ng hazing.

Samantala, umaapela ng tulong ang pamilya ng biktima na lumutang na ang mga posibleng nakasaksi sa pagkamatay ni Horacio. 

"Sana naman ma-konsensya sila. He was only 22 years old, he was robbed of his future. Sana lumabas na sila. Tell everything, tell the truth," pakiusap ng ama ng binata. 





No comments:

Post a Comment