Ipinagtanggol ni Senador Pacquiao noong Miyerkules ang sarili sa kanyang mga komento sa livestream ni Arzaylea Rodriguez, 22 taong gulang, na social media sensation sa Amerika.
Ito ay matapos makita ang kanyang verified account na nagkomento ng "Hello!", Where are you from? at You can call me anytime" sa Instagram livestream ni Rodriguez.
"Lahat naman pwedeng makipag-usap sa akin live. Wala namang malisya doon. In fact, iyun lang 'yun. Tingnan mo, pagkatapos nun, wala na, pahayag ng boxing champion.
Ipinaliwanag rin ng Senador na nakita lamang niya ang livestream ng 'di inaasahan.
"Pag open ko ng Instagram ko, may nakita akong live. Pag panoorin mo iyung live niya, mag-appear ka, 'Manny Pacquiao has joined your live," ayon kay Manny.
"Sabi niya, 'Oh Manny Pacquiao, hello!' So nag-hello ako... Tinatanong niya ako nasa Pilipinas ka ba? Sabi ko andito ako, where are you from? Iyun lang" dagdag pa niya.


No comments:
Post a Comment