Hinabol saka kinaladkad papunta sa dagat, sinabunutan, at ilang beses pang hinagupit ng patpat ang sinapit ng isang dalagita mula sa kanyang sariling Ama kaninang umaga sa Manila Bay.
Nabulabog naman ang mga taong nakapila para sa US visa sa Roxas Boulevard nang makita ang pambubugbog ng Ama sa kanyang anak na dalagita. Ayon sa Ama, pagdidisiplina lang aniya ang kanyang ginawa.
Samantala, wala namang makalapit upang tulungan ang dalagita dahil sa gitna ng tubig ito binugbog ng kanyang Ama. Halos 5-minuto pinagpapalo at saka nilublob sa tubig ang dalagita. Nagmamakaawa at umiiyak ito subalit walang tigil parin sa hampas ang Ama.
Hanggang hindi na nakapigil ang isang security aid ng kongresista na nasa loob ng embassy sa mga oras na iyon. Ayaw parin paawat ang Ama nuong una subalit nuong pakitaan na ito ng baril ay saka lang tumigil. Nang tanungin kung bakit halos lunurin na ang anak, sagot nito, family problem lang daw.
No comments:
Post a Comment