Leni
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules na ang ipinanukalang batas laban sa pekeng balita ay hindi makakapasa sa kanya dahil ito ay isang uri ng censorship, na labag sa ating kalayaang magpahayag (freedom of expression).
"Nakinig ako kanina na gumagawa sila ng batas upang magtakda ng isang pamantayan. Ah patay. That's censorship," sabi ng Pangulo noong Miyerkules, pagkatapos ng kanyang pagpupulong sa mga magulang ng biktima ng hazing na si Horacio Tomas Castillo III sa Malacañang.
Tinutukoy ng Pangulo ang isang pagdinig hinggil sa pekeng balita na isinagawa ng Senate Committee on Public Information at Mass Media, na dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan, mga blogger, at mga mamamahayag.
“Di lulusot ’yan,”ani Duterte.
“Freedom of expression would be constitutional. I am sure they cannot pass a law against fake news,” dagdag pa niya.
Ipinaliwanag rin ng Pangulo na ang mga taong madalas nag-aalinlangang isulat ang kanilang sariling opinyon ay sa wakas malaya na nila itong gawin.
Giit ng Pangulo, sa halip na ipasa ang isang batas laban sa pekeng balita, iminungkahi ng Pangulo ang dagdag na mga parusa para sa libel at paninirang-puri.
“Kung gusto mo, pass a law increasing penalty,” aniya.
“Tutal you have slander, you have libel – civil case. But to prescribe a set of rules, what is proper or not, hindi lulusot ’yun. Patay ’yan pagdating sa akin.”
No comments:
Post a Comment