TRENDING: BAGONG KASAL, SUMAKAY SA BACKHOE SA PAGTAWID SA ILOG! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Wednesday, October 4, 2017

TRENDING: BAGONG KASAL, SUMAKAY SA BACKHOE SA PAGTAWID SA ILOG!





"Love conquers all" -yan ang katagang pinatunayan ng dalawang bagong kasal na sina Marjun at Remelyn Belleste matapos tawirin ang malalim at rumaragasang ilog sakay sa backhoe.



Setyembre 23 nang maikasal sina Marjun at Remelyn sa Barangay Abis, Mabinay, Negros Oriental. 

Sa bahay nina Remelyn gaganapin ang kanilang reception kung kaya't kailangan nilang tumawid sa kabilang Sitio. Sa mga oras na 'yon, nagkataong namang nasa gitna ng ilog ang backhoe at para 'di mabasa, sumakay na lamang sila dito.






Sinabi ni Remelyn na nahirapan siyang sumakay sapagka't siya ay pitong buwan nang buntis. Ayon naman sa kanyang asawang si Marjun, katulad lang ito ng kanilang simulang buhay mag-asawa, maraming pagsubok na darating ngunit ito'y kanilang kakayanin.




No comments:

Post a Comment