Dinampot at sinakay sa isang police mobile patrol ang aktor na si Baron Geisler dahil sa kinasasangkutan nitong gulo. Naka ban na umano ang binata sa isang bar ngunit dahil sa dalawa ang entrance nito ay nakapasok ito.
Nung una'y hinayaan na lamang ito, ngunit lasing na umano ang aktor kung kaya't pinababantayan na lamang ito sa gwardiya. Nang makita naman ni Baron ang gwardiya ay agad niya itong tinulak at pinagmumura. Dahil sa kaguluhan, nagsipagtakbuhan na ang mga kustomer kaya't napilitan na ang establishemento na magsara,
Sa eskandalong ginawa ni Geisler ay dinala ito sa presinto. Ngunit ng maisakay ito sa mobile patrol car ay patawa- tawa pa ito. Nang marating nito ang presinto, dahil wala siyang makitang complainant ay nagwala at minura ang mga pulis.
Mabuti na lamang at kalmado itong pulis, na hindi na lamang ito pinatulan. Ngunit mas uminit ang ulo ni Baron at lalo pa itong nagsisigaw. Sinabihan pa nito ang pulis kung agad na ba babarilin kung wala pang proweba. Mariin niyang itinanggi ang alegasyon sa kanya ngunit aminado naman itong nakainum.
"Ilang gramo tinira mo pare?" ani Baron sa pulis habang dinadala ito patungo sa kanyang selda.
Hindi parin excuse sa ginawa ang aktor, dahil kinulong ito. Sa loob naman ng kanyang selda ay patuloy itong nagwawala at nagsisigaw. Nag reklamo ang binata tungkol sa systema ng gobyerno at sa mga kapulisan.
"Sa ginawa kong wala. Walang mali. Ito'y isang joke. Our police? Police natin mga joke!"
"Boss, boss, barilin mo na ko, barilin mo na 'ko. Kasi, di tama 'tong ginagawa niyo eh." dagdag pa ni Baron na sobra na ang galit at pinag iinitan ang mga pulis.
Haharap naman sa kasong unjust vexation at alarming scandal si Baron.




No comments:
Post a Comment