Ayon kay Supreme Court Judge Justice Carpio, ang pagsampa ng kaso laban kay Senador Leila De Lima ay peke at purong imbensyon lamang at ito'y hindi makatarungan kung hahayaan lang ng korte ang kanyang patuloy na detensyon.
"The accusation of illegal trade of drugs against petitioner is blatantly a pure invention," Carpio said. "This Court, the last bulwark of democracy and liberty in the land, should never countenance such a fake charge," ani Carpio.
Sa kanyang 39-pages dissenting opinion para sa desisyon ng korte na hindi i-nullify ang pag-aresto kay De Lima, binatikos ni Carpio ang patuloy na detensyon ng senador at sinabing ang kaso laban kay De Lima ay walang mga elemento para sa akusasyon sa droga.
Ang 58-taong-gulang na si De Lima ay inakusahan ng pagtanggap ng pera mula sa mga bilanggo noong siya ay Justice Secretary mula 2010 hanggang 2015. Siya ay walang karapatang mag-piyansa at, kung mapatunayang nagkasala, siya ay mahaharap sa panghabang-buhay na pagkabilanggo.
Ayon kay SC Spokesman na Theodore O. Te, ang boto na 9-6 sa SC ang nag-dismissed ng petisyon ni Senador Leila De Lima. Mayroong 11 magkakahiwalay na opinyon (5 sumang-ayon, at 6 na hindi sumang-ayon).

No comments:
Post a Comment