Kinondena ni Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) CBCP President Archbishop Socrates Villegas ang brutal na pagkamatay ng ISIS’ Emir sa Southeast Asia na sina Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon at Maute Group leader Omar Maute matapos mapatay kahapon ng mga miyembro ng Philippine Army’s Special Operations Command (SOCOM) units kasama ang mga Special Forces, Scout Rangers at Light Reaction Regiment.
Sa isang Pastoral meeting noong Lunes, sinabi ni Villegas na ang mga larawan ng pinatay na mga lider ay hindi dapat ipakita sa publiko lalo na kay Omar Maute, na ang ulo ay tinamaan ng sniper rifle.
“Sana man lang binigyan nila ng konting respeto yong bangkay ng tao. Binaril e sa ulo pa, pwede namang sa katawan para ma-minimize ang damage," pahayag ni Villegas.
Idinagdag din ni Villegas na ang brutal na pagpatay sa dalawang miyembro ng maute ay isang matibay na ebidensiya na ang EJK ay nangyayari sa loob ng bansa.
“Dinedeny ng Presidente natin na walang EJK, pero itong nangyari sa dalawang kaptatid nating muslim, ito ang pinakamatibay na ebidensya na walang awang pumapatay ng tao ang mga alagad ng gobyerno," giit pa ni Villegas.



No comments:
Post a Comment