Simula nang ipakita at ipakilala sa publiko si Xander Ford matapos ang kanyang operasyon ay sunud-sunod na mga isyu na ang kinasangkutan nito. Kamakailan lamang, isang video diumano ni Xander Ford ang nag-viral sa social media kung saan siniraan nito ang ka-loveteam ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo.
Sa video, maririnig ang isang boses na diumano'y si Marlou, aka Xander Ford na nagbibigay ng negatibong komento sa aktres na si Kathryn Bernardo.
Sa recorded video, sinabi ng isang lalaki na, “Ipinu-promote ko nga pala ung palabas naming La Luna Sangre. Spoiler po talaga ko at gusto ko lang ibunyag na yung lobong ginagampanan dun ni Kathryn Bernardo ay sakang po yun. Kaya sa mga naniniwalang gustong mag-#1 FHM model si Kathryn Bernardo, huwag na po kayong umasa. Never pa kong nakakita ng sexy na sakang ang paa.”
Agad namang nag-viral ang recorded video at umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga Netizens lalung-lalo na sa mga Kathniel fans. Ayon sa kanila, dapat lang daw na turuan ng leksyon si Xander Ford at ipabatid sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng salitang respeto. Kabagu-bago lang niya sa showbiz, pero puro kabulastugan na ang pinaggagagawa niya.

No comments:
Post a Comment