Hinikayat ni Senador Leila De Lima ngayong araw ang mga Pilipino na ipagtanggol si Jover Laurio, ang blogger sa Facebook Page na Pinoy Ako Blog (PAB) kung saan kilala ito sa pagpuna at pagbatikos sa administrasyong Duterte.
BASAHIN: PETISYON NI SEN. LEILA DE LIMA SA KANYANG PAGLAYA, IBINASURA NG KORTE SUPREMA!
“It’s either we defend everyone’s democracy and liberties, or we leave our own vulnerable to attack," pahayag ng Senadora.
Napilitang ipakilala ni Laurio ang totoong pagkakakilanlan noong Biyernes matapos bantaan ng mga online supporters ng Pangulo.
PHOTO SOURCE: RAPPLER
Sa kabila ng sapilitang pagpapakilala sa kanyang sarili, ang 36-taong-gulang na propesyonal na kumukuha ng law ay nagsabing magpapatuloy parin ang kanyang blog.
"They were able to force me to reveal my identity but they cannot stop me from blogging. I know I am in the right. They cannot do anything to me as a person and a blogger. They can’t stop me from expressing my freedom of speech," pahayag ni Laurio sa kanyang interbyu sa Inquirer.
Habang ang mga tao'y gumagawa at nagpapakalat ng pekeng balita ay dapat manatiling may pananagutan. Dito ipinahayag ni De Lima na dapat ipagtanggol ng mga Pilipino ang "sinuman at lahat ng nasa tama, responsable at may pananagutang isagawa ang kanilang mga karapatan."
“We may espouse opposing views, but we are all – all of us – beneficiaries and, therefore, defenders of those rights. Hindi pwedeng ‘what is your right is my right, but what is my right is my right alone’. It doesn’t – and won’t – work that way. It’s either we defend everyone’s democracy and liberties, or we leave our own vulnerable to attack,” dagdag pa ni De Lima.


No comments:
Post a Comment