Kamakailan lamang ay nagsilabasan ang balita tungkol sa pagsabi umano ni Marlou na ngayo'y higit kilala sa pangalang Xander Ford ang tungkol sa pagsabi niya kay Kathryn Bernardo na "sakang".
Sa unang video na lumabas patungkol sa "sakang issue" ay hindi makita ang mukha ni Marlou/Xander Ford. Ngunit, ngayong araw lamang Octobre a kinse ay inilabas na ang mukha ni Marlou kung saan ang mismong sinabi niya sa unang video ay tugma naman sa mga sinasabi nito sa pangalawang video na nakabalandra ang mukha habang sinasabi niya ang katagang "sakang" ito.
Marami ang mga nagalit at nagbash sa binata hindi lamang mga fans ni Kath at ng KathNiel, maging ang mga artista na pinagtanggol si Kath sa sinabi umano ni Xander Ford/Marlou. Inimbitahan pa ito ni DJ Chacha sa kanyang programa upang linawin ang mga pinupukol sa kanya. Umiyak pa ito na tila humihingi ng simpatya sa mga tao na parang kinakawawa sa mga pambubully sa kanya.
Sa Tweeter post naman ni Queen Mother na si Karla Estrada, nanay ni Teen King DJ Padilla (ka love-team at real life boyfriend ni Kath) ay pinagtanggol nito ang Teen Queen. Marami ang nakisimpatya at nag retweet sa post ni Queen Mother.
Samantala, marami na rin ang nagsabi na mga netizens lalo na ang mga sumusuporta sa KathNiel at higit kay Kath, ang rumisbak sa pinagsasabi ni Marlou tungkol sa dalaga. Tinagurian itong Black Tuhod King dahil sa sobrang itim ng tuhod. Marami na rin ang nag post sa litrato ni Xander Ford tungkol sa sobrang itim ng tuhod niya. Ang iilan sa mga ito ay sinabing sila na ang mag iisponsor sa kojic niya. Ang sikat na kolumnista at artista na si Ogie Diaz na minsan ring nakasagutan ni Xander Ford, nitong mga nakaraang araw ay nagsabi rin ito tungkol sa maitim na tuhod ni Xander.
Kaya naman mga bes, may kasabihan nga tayo "DO NOT DO UNTO OTHERS, IF YOU DON'T WANT OTHERS DO UNTO YOU." Ayan, marami na ang nagalit sa iyo Xander. Mag sorry ka na lang kung sakaling totoo man ito, at huwag na muling ulitin na banggain ang mga kilala o established stars sa industriyang pinasok mo. Maging humble ka lang at gawin mo silang inspirasyon bilang ikaw ay bago pa lamang sa showbiz industry.
Peace not war na mga beks!




No comments:
Post a Comment