Si Dr. Lourdes Reynes Quisimbing, dating education secretary sa ilalim ng adminitrasyon ni Pangulong Corazon Aquino ay namatay noong Sabado sa edad na 96 ayon sa pahayag na ibinigay noong Linggo ni Dahl D. Bennett, communication and media coordinator ng Mirriam College.
Sa loob ng walong taon, si Dr. Quisimbing ay naging Presidente sa Maryknoll College (ngayon ay Mirriam College) sa Quezon City bago siya italaga ni Aquino noong 1986 bilang kauna-unahang babaeng secretary ng Department of Education, Culture and Sports (DECS). Sa kanyang panunungkulan ay nagkaroon ng libreng pampublikong edukasyon sa sekondarya, pagtaas ng pambansang budget sa edukasyon, rasyonalisasyon ng mas mataas na edukasyon at bigyang diin ang values education.
“Her tenure [as DECS secretary] marked the expansion of free public education to the secondary level, an increase in the share of education in the national budget, rationalization of higher education, and an emphasis on values education."
“Dr. Quisumbing’s lustrous career is steeped in the field of education, beginning with her teaching stint in the 40s at St. Theresa’s College (STC) in Cebu, where she had to balance her profession with parenting nine children,” ayon sa pahayag.

No comments:
Post a Comment