Binweltahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang mga pumupuna sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte lalo na ang grupong Tindig Pilipinas na tinawag na "paranoid at insecure ang grupo."
Sa kanyang pahayag, sinabi ng Mayora na lumabas agad ang tunay na kulay at lihim na intensiyong agawin ang kapangyarihan ng ama matapos tumutol sa posibilidad na mag-set up ng revolutionary government sa gitna ng mga banta ng destabilization.
“Power grabbers have made their point, made their presence felt, caught our attention, and we know who they are,” pahayag ng Mayora.
“The threat of destabilization is as real as terrorism,” dagdag na niya.
Tinaasan rin ng kilay ng Mayora ang grupong Tindig Pilipinas sa kanilang pahayag na "insecure" umano ang kanyang ama.
Wala aniyang dahilan para ma-insecure ang kanyang ama dahil siya ang Presidente ng bansa at hindi rin umano ikaka-insecure ang mga resulta ng survey maging ang isang senador na tulad ni Sen. Antonio Trillanes o ng Tindig Pilipinas.
“How can he insecure when he is the president? When you are the president, there is nothing that will make you feel insecure – not a survey results or a person like [Sen. Antonio Trillanes IV] or a power-hungry group called Tindig Pilipinas.” giit niya.

No comments:
Post a Comment