MOCHA USON, PINAALALAHANAN ANG KANYANG MGA KAPWA KA-DDS! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Monday, October 16, 2017

MOCHA USON, PINAALALAHANAN ANG KANYANG MGA KAPWA KA-DDS!





Pinakiusapan ni Presidential Communications Operations Office Assistant Sec. Mocha Uson kanina ang kanyang mga kapwa ka-"DDS” (Digong Die-hard Supporters, Digong Duterte Supporters) sa kanyang facebook post na naglalayong pag-isahin ang grupo.


Ayon sa Facebook post ni Mocha, hinihiling niya ang bawat DDS na ipakalat ang mabubuting balita na ginagawa ng administrasyong Duterte.

Sinabi rin niya na hindi dapat gamitin ng mga DDS ang terminong EJK o ekstrahudisyal na pamamaslang dahil hindi ito tamang salita para sa kung ano talaga ang nangyayari sa bansa.

Pinaalalahanan rin ni Mocha ang kanyang mga ka-DDS na dapat ay hindi mabulag sa mga pulitikong patuloy na gumagawa ng isyu laban sa Pangulo sa halip na gawin ang kanilang trabaho.

Binanggit pa niya ang mga reporma na nakabinbin ngayon dahil aniya sa mga paratang na ito laban sa Pangulo.

Basahin ang buong post ni Mocha Uson: 

Meron lamang po akong munting pakiusap sa mga DDS. Alam niyo po walang masama na tayo po ay lumaban o dumepensa sa Pangulo. Ngunit kung gusto po natin maging mas epektibo sa pag depensa sa Pangulo dapat ay umatake din po tayo ng good news. Sabi nga- “the best defense is a good offense” ibig sabihin lamang po kung gusto natin talaga na mawala ang mga salot sa lipunan natin ay ikalat po natin ang mga good news na DUTERTE ADMIN. Hanggang mas maingay na ang good news kesa sa kung ano anong issue binabato ng kalaban. Naintindihan ko na minsan mas na eengganyo tayo mag share ng mga “atake” o yung pagpuna sa individual ngunit ang totoo po hindi ito OFFENSIVE. Ito po ay puro lang defensive. Parang ganito yan, ang mga dilaw ay magaling sa panggugulo. Halimbawa nalang sa SENADO napakadaming dapat ipasang batas na makatulong sa ating bayan ngunit ano ginagawa ng mga DILAW na Senador? Bato sila ng bato ng EJK, patayan, ngayon meron pa ilang Senador na pa “sign the waiver”. Tayo naman po nalilinlang din. Patola tayo. Ang nangyayari nalilihis sa mga issue dapat sana ay maitulak natin. Kahit ako po ay aaminin ko minsan nagkakamali din sa pagpatol. Isipin niyo nalang po ito- Emergency Power ng hinihingi ng DOTr nabaon na sa limot. Tax Reform ang bagal ng usad. Tandaan po natin programa ito ni PANGULONG DUTERTE. Sa totoo lang pinaglalaruan tayo ng ilang Senador. Bakit kanyo??? Pumoporma kasi ang ilan sa 2019. Tuwang tuwa tayo sa issue ng FAKE NEWS na tinalakay pa sa SENADO para maipasa kuno ang batas para dito. MERON NA PO TAYONG BATAS PARA DIYAN. At si PRRD mismo nag sabi na hindi niya hahayaan na magpasa ng karagdagang batas na magpipigil sa kalayaan sa pamamahayag maging ito ay pabor o hindi pabor sa kanyang administrasyon. Wala pong masama na maging aktibo po tayo sa paghahanap sa mga nasalikod ng anonymous anti-Duterte Page. Ok po yun pero sana po SAMAHAN NATIN NG MAGANDANG BALITA. Wag tayong gumaya sa MAINSTREAM MEDIA. Puro patayan, puro sensationalism, at puro bad news ang binabalita. Diba nagagalit tayo pag ganun ginagawa nila?? Eh bakit ba nila ginagawa yun? KASI MABENTA. At tayo rin naman bilang mga Netizen bakit tayo nag shashare ng mga “pa atake na post”? Kasi nga MABENTA. ULITIN KO PO DON’T GET ME WRONG- ok lang po ang lumaban, kailangan yan PERO MAS KAILANGAN ANG MAG INGAY TAYO SA GOOD NEWS NG PAMAHALAAN NA ITO. ANG DAMING MAGAGANDANG PROGRAMA NG GOBYERNO ANG LUMALABAS SA BALITA na ating pinapalagpas. I-share po natin kahit sa Mainstream Media pa yan. Kasi pag nakita nila na shinashare natin ito, at sa kanila income yun, maeengganyo sila maglabas ng magaganda balita AT YAN ANG TATALO SA MGA ATAKE NG MGA KAAWAY NG BAYAN. Isa pa po alam niyo ba bakit ang ingay ingay ng walang kwentang “EJK” na yan??? Kasi nga kinakarga din natin ang salitang yan. Kaya nga dati may mga nag suggest pa po na never use the word EJK kasi nga maling term yan. Hindi naman state sponsored ang patayan na yan. Pero madami po sa atin ginamit pa po yang salita na yan. Kasama na po ako diyan. Kaya sa aking pong pagsusulat nito ay akin din pong kinakausap ang aking sarili dahil ako po ay guilty dito. Sa huling survey po ay marami pa din po ang naniniwala sa ating Pangulo at kung ang lahat nito mga naniniwala sa Pangulo ay mag-iingay sa good news sigurado ako magmumukang tanga ang sigaw ng mga nanggugulong bleeding hearts sa ating bayan. Wag po sana natin masamain itong aking munting pakiusap ko po at sana inyo na din po ishare para sa lahat ng DDS. Salamat po.
*** Napili ko po ang picture na yan kasi po ako po mismo ay witness kung gaano ka sipag si PRRD sa pagtratrabaho para mag karoon tayo ng GOOD NEWS. Maging sa eroplano na dapat ay pahinga na lang niya ay nag tratrabaho po siya. Nakita ko na po yun ng ilang beses. Kaya sana gawin din natin na mas maingay ang kanyang mga tinatrabaho kesa sa ingay ng mga kalaban ng ating bayan.

No comments:

Post a Comment