PRES. DUTERTE, HINIKAYAT ANG MEDIA NA PALAGING IPAHAYAG ANG KATOTOHANAN! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Monday, October 16, 2017

PRES. DUTERTE, HINIKAYAT ANG MEDIA NA PALAGING IPAHAYAG ANG KATOTOHANAN!




Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte noong huwebes ang media na palaging ipahayag ang katotohanan kahit na ang mga kaalyado ay inakusahan ng mga pekeng balita.



"Never, never lie because we are not up to it anyway,"  sinabi ni Duterte sa relaunching ng Malacañang Press Briefing Room sa New Executive Building noong Huwebes.

Idinagdag pa ni Duterte na minsan ay natutukso siyang "maglabas" ng maraming bagay sa nakaraan, ngunit kinailangang niyang pigilan ang kanyang sarili.

"There are truths which cannot be divulged just because it is the truth," ani Duterte.

"God sees the truth but waits," giit pa niya.

Sinabihan rin niya ang mga mamamahayag na "huwag lituhin ang mga naghahanap ng kasagutan sa pamamagitan ng mga sensationalized news at overpublicizing political propaganda."

Sa isa sa kanyang mga speeches kasama ang media bilang isa sa mga paksa, kinilala ng Pangulo ang kahalagahan ng media sa pagtuturo sa publiko ng kanyang pangunahing reporma - ang pederalismo.

"As we enter a new chapter in our nation's history, we need to foster a more vibrant relationship between the government and the press. The roe of media is vital if we are to successfully educate the people on constitutional reforms for federalism," sinabi ng Pangulo sa pagbasa mula sa kanyang 'prepared speech.' 

Tinawag din ni Duterte ang kanyang mga manggagawa sa gobyerno, kabilang ang mga nasa executives communications office, na ipalaganap ang makatotohanang impormasyon.

"To my fellow workers in government, especially those who form part of the Communications Office, I enjoin you to remain committed to your duty to upholding the truth at all times. Never exaggerate, never misinterpret, never agitate as you communicate our platform of governance. In other words, do not be arrogant," pahayag ng Pangulo

Ang nasabing event ay dinaluhan ng mga journalists at government officials, kabilang na si Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

No comments:

Post a Comment