ANTI-MARCOS, nanawagang ILIPAT ang mga LABI ni dating Pangulong MARCOS sa ibang libingan! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Friday, November 17, 2017

ANTI-MARCOS, nanawagang ILIPAT ang mga LABI ni dating Pangulong MARCOS sa ibang libingan!


Muling binuhay ang panawagang hukayin ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kasabay ng unang taon ng Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani.

Sinabi ng grupong #BlockMarcos na isang malaking kalokohan umano ang paglalagak ng mga labi ng dating diktador sa Libingan ng mga Bayani.



Kanila na umanong idineklara ang Nobyembre 18 bilang araw ng pagkagalit sa pagbibigay kay Marcos ng isang hero’s burial.




Malinaw rin umanong nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang mahistrado ng Mataas na Hukuman para gawing legal ang paglilibing kay Marcos sa  libingan ng mga bayani.


Magugunitang bilang dating Pangulo ng bansa at isang beterano ng World War II kaya marapat lamang na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos ayon sa mga naunang pahayag ni Duterte.
Wala namang inilabas na pahayag ang pamilya Marcos hingil sa anibersaryo ng paglilibing sa dating pangulo.

No comments:

Post a Comment