Harry Roque, mas gustong maging BEST SPOKESMAN kaysa tumakbo bilang SENADOR! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Friday, November 17, 2017

Harry Roque, mas gustong maging BEST SPOKESMAN kaysa tumakbo bilang SENADOR!

Mas gugustuhin umano ni Presidential Spokesman Harry Roque na maging “best spokesman” para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito raw ang dahilan kung bakit wala pa sa kanyang isipan na tumakbo bilang senador sa 2019 midterm elections.
Aminado rin ang kalihim na wala siyang pondo na gagamitin para sa isang nationwide campaign.

Sa ngayon ay mas gusto umano niyang mag-concentrate sa kanyang trabaho para maiparating ng maayos sa publiko ang mga mensahe ni Pangulong Duterte.
Kahapon ay inanunsyo ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kasama si Roque at Communications Asec. Mocha Uson sa senatorial slate ng PDP-Laban sa susunod na halalan.

Sa panayam, sinabi ni Mocha Uson na siya rin ay nabigla sa nasabing anunsyo at hindi pa rin umano siya handa sa pagtakbo sa Senado.

No comments:

Post a Comment