GREAT RELATIONSHIP ng PILIPINAS at US, IBINIDA ni TRUMP sa BILATERAL MEETING kay DUTERTE! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Sunday, November 12, 2017

GREAT RELATIONSHIP ng PILIPINAS at US, IBINIDA ni TRUMP sa BILATERAL MEETING kay DUTERTE!





Matapos maantala ng halos isang oras, natuloy na ang bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at U.S.  President Donald Trump.


Sa pulong ng dalawang lider, sinabi ni Trump na nagkaroon ng great relationship ang Pilipinas at Amerika.
Ayon kay Trump, very successful ang mga isinasagawang meeting kaugnay sa 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit kung saan ang Pilipinas ang kasalukuyang Chairman.

Maayos aniya ang naging pamumuno ni Pangulong Duterte at ng mga tagapamahala ng ASEAN sa pagpupulong ng mga World Leaders.
Hindi rin naiwasan ni Trump na humanga sa mga nagtanghal kagabi sa special gala dinner na ginanap sa SMX Convention Center sa Mall of Asia sa Pasay City.

Higit na hinangaan ni Trump ang maayos na pagtrato ng Pilipinas sa kanya at sa iba pang World Leaders.
Sa huli, pinasalamatan ni Trump si Duterte at ang Pilipinas sa mainit na pagtanggap sa kanya.

Ilang mamahayag mula sa Malacañang Press Corps at Foreign News Organizations ang pinayagan na magkaroon ng photo spray o photo opportunity sa pagpupulong.
Pero bago pa man ang pormal na simula ng bilateral meeting agad nang pinalabas sa kwarto ang mga kagawad ng media.


No comments:

Post a Comment