MARIA ISABEL LOPEZ, KAKASUHAN NA MATATANGGALAN PA NG LISENSYA! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Sunday, November 12, 2017

MARIA ISABEL LOPEZ, KAKASUHAN NA MATATANGGALAN PA NG LISENSYA!




Hindi ikinatuwa ni Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Catalino Cuy ang ginawa ng aktres na si Maria Isabel Lopez na pagtanggal sa mga traffic cones at pagdaan sa lane na nakatalaga para daanan ng mga delegado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit.


Maria Isabel Lopez maaring masuspinde ang Driver's License dahil sa paggamit ng ASEAN Lane!


Ayon kay Cuy, hindi nila hahayaang ipasawalang bahala ng ninuman ang kanilang mga planong pang-seguridad ngayong kasagsagan ng ASEAN summit.

Ayon sa kalihim, dapat ay pinag-isipan ni Lopez ang magiging impact ng kaniyang mga ginawa sa ibang tao.




Walang humpay aniya ang ginagawa nilang paalala sa publiko na kaya ginawa ang mga batas trapiko ay para makasagip ng buhay at maisaayos ang daloy ng trapiko lalo na’t ang Pilipinas ang host ngayon ng nasabing pagpupulong.

Naniniwala naman si ASEAN Technical Working Group on Traffic Management Chair Emmanuel Miro na dapat aksyunan ng mga otoridad ang pag-suway ni Lopez.




Ayon kay Miro, dapat pairalin ang batas sa lahat ng tao, ordinaryo man o tanyag tulad ng aktres.

Magsasagawa aniya ng imbestigasyon tungkol sa pangyayari at kung kakailanganin, magsasampa din ng kaso laban kay Lopez.

Kabilang sa mga reklamong maaring ihain laban sa aktres ay pag-balewala sa traffic signs.

Source

1 comment:

  1. Minsan, hindi natin sinasadyang lumabag sa batas trapiko ngunit sa katulad ng ginawa ni Ms. Lopez ay tila wala itong lusot. Pero kung ikaw sakali ay inosente at biglang hinuli ng MMDA, Ano ang gagawin mo? Alamin yun dito: Paano Kapag di Mo alam na lumabag ka sa batas.

    ReplyDelete