Matapos maturukan ng dengue
vaccine na Dengvaxia ang mahigit 800 na mga pulis ng Quezon City Police
District (QCPD), kasalukuyang nangamba ang mga ito sa kanilang kalusugan.
Sa katunayan, bukod sa
mga pulis na naturukan, mayroong rin silang 500 na mga kaanak na tinurukan ng
Dengvaxia.
Ngunit ayon naman kay Dr.
Julius Lecciones, Executive Director ng Philippine Children’s Medical Center
(PCMC) na siya ring nangasiwa sa vaccination program sa mga pulis at sibilyan,
hindi kailangang mag-panic at magpadala sa mga negatibong balita ukol dito.
![]() |
| Dr. Julius Lecciones, Executive Director, Philippine Children’s Medical Center (PCMC) |
Samantala, namigay naman
ng orange cards ang PCMC sa kanilang mga nabakunahan para makakuha ang mga ito
ng libreng medical assistance sakaling makaramdam ng sintomas ng dengue.
Sa kabilang dako, suspetsa
naman si Health Secretary (DOH) Francisco Duque III na may mga itinatago pang impormasyon
ang Sanofi Pasteur tungkol sa Dengvaxia.
![]() |
| Francisco Duque III (DOH), Health Secretary |



No comments:
Post a Comment