Hindi na dapat pang
paniwalaan ng publiko ang mga sinasabi ni Sen. Leila de Lima dahil mula naman
ang mga ito sa aniya’y “polluted source.” Iginiit ito ni Presidential
Spokesperson Harry Roque.
Dagdag pa nito, ang
opinyon ng senadora ay sumasalamin lang sa kakulangan niya ng pag-unawa sa
prinsipyo ng complementarity sa International Law.
Ani nito, hindi na rin
ito nakakagulat dahil ang professional experience ni De Lima ay limitado lamang
hanggang sa election laws.
Hinimok pa niya ang
senadora na ituon na lamang ang pansin sa mga pagsisikap niya para linisin ang
kaniyang mga pangalan kaugnay ng mga kasong kriminal na nakabinbin laban sa
kaniya.
Wika pa ni Roque,
naniniwala silang nagbibigay na lang si De Lima ng kaniyang mga opinyon upang
patuloy na mapag-usapan at mapasama sa mga headlines.
“We consider her views
as rather pathetic attempts to remain relevant and in the headlines, hence,
these should not be taken seriously,” ani Roque.
Ang pahayag na ito ay inilabas ni Roque matapos
igiit ni De Lima noong Sabado na kailangang makialam ng International Criminal
Court (ICC) sa mga umano’y paglabag sa karapatang pantao na namamayagpag sa war
on drugs ng pamahalaan.

No comments:
Post a Comment