DOH: HINDI dapat MANGAMBA ang publiko sa mga BAKUNA - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Sunday, December 10, 2017

DOH: HINDI dapat MANGAMBA ang publiko sa mga BAKUNA


Ang Department of Health (DOH) ay umapela sa publiko at sinabi nito na walang dapat ikabahala sa mga libreng pabakuna na ibinibigay ng gobyerno.

Ang nasabing pahayag ay inilabas ng DOH matapos magdulot ng takot sa publiko ang kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ng dengue vaccine na Dengvaxia, na pinayagan ng kagawarang maiturok sa mga public school students.

Iginiit ni Health Undersecretary Herminigildo Valle na walang dapat ikatakot ang mga magulang sa Expanded Program on Immunization (EPI) ng gobyerno dahil tunay namang kapaki-pakinabang ang mga ito.

Health Undersecretary, Herminigildo Valle 
Babala ni Valle, lalong malalagay sa panganib ang kalusugan ng mga bata kung hindi papabakunahan laban sa mga vaccine-preventable diseases.

Samantala, ang iba pang mga bakuna na ibinibigay ng DOH sa ilalim ng EPI ay iyong mga laban sa tuberculosis, hepatitis B, polio, meningitis, at pneumonia.


No comments:

Post a Comment