Naniniwala kasi si Roque na mga opinyon lamang ito ni de Lima at nais lamang siyang mapag-usapan ng publiko at mapasama sa mga headlines ng balita.
“We consider her views as rather pathetic attempts to remain relevant and in the headlines, hence, these should not be taken seriously,” pahayag ni Roque.
Ito ang naging pahayag ni Roque matapos sabihin ni de Lima na kailangan umanong makialam ang International Criminal Court (ICC) sa mga nangyayaring violation of human rights sa digmaan kontra droga ng pamahalaan.
Pinayuhan naman ni Roque ang Senador at sinabing magsikap na lamang siya na linisin ang pangalan sa mga kasong isinampa laban sakanya.



No comments:
Post a Comment