Sa impormasyon ay dalawang ulit nakipag-pulong ang dating pangulo sa mga opisyal ng naturang kumpanya sa France.
Matapos kasi ang naturang pagpupulong ay napabilis ang proseso ng pagbili ng P3.5 bilyong pisong halaga ng Dengvaxia ng gobyerno sa Sanofi-Pasteur.
Ngayong Lunes naman nakatakdang simulan ng Senado ang hearing sa anti-dengue vaccination program na ginamitan ng Dengvaxia.
Matatandaang mismong ang Sanofi-Pasteur pa ang naglahad na posibleng makaranas ng mas malalang sintomas ng dengue ang isang taong nabakunahan kung hindi pa ito nagkakaroon ng dengue.
Gayunpaman, nilinaw ng Sanofi-Pasteur na hindi naman nakamamatay ang naturang kaso.


No comments:
Post a Comment