May
pananagutan si dating Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III
hinggil sa pondong pinambili ng kontrobersiyal na bakuna kontra dengue at ito
ay iginiit sa pagdinig sa Senado.
"Mayroon
pagkukulang ang Office of the President na biglang kinuha 'yong pera na
nakalaan sa ibang lugar at inilipat sa last minute," pahayag ni Sen.
Richard "Dick" Gordon sa pagdinig ng Senado sa isyu ng bakunang
Dengvaxia.
Ayon
kay Gordon, matapos makipagpulong ni Aquino sa mga tauhan ng Sanofi Pasteur,
minadali ang proseso ng pagbili sa Dengvaxia. Umabot sa P3.5 bilyon ang
ginastos ng gobyerno sa pagbili ng bakuna.
Sa
kabila nito, hindi muna pinadalo si Aquino sa pagdinig.
"Out
of respect for former President Aquino, hindi muna namin siya tinawag dito.
Pero hindi ibig sabihin na wala na siyang pananagutan dito," ani Gordon,
chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Hangad
rin ni Gordon na ipaliwanag ni Aquino ang
mga pakikipagkita nito sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur, ang French
pharmaceutical company na gumawa ng bakunang ipinamahagi sa dengue vaccine
program na sinimulan sa ilalim ng nakaraang administrasyon.
Nabalot
sa kontrobersiya ang Dengvaxia matapos ilabas ng Sanofi Pasteur ang pag-aaral
na maaring magdulot ng malubhang sintomas ang bakuna kapag naibigay sa mga
hindi pa nagkakaroon ng dengue.
Click and Watch!

No comments:
Post a Comment