Nais ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque na i-refund ang P3.5 bilyong ibinayad ng pamahalaan sa pagbili ng dengue vaccine sa pharmaceutical company na Sanofi Pasteur.
Ang naturang bakuna kontra dengue na naipamahagi sa higit 700,000 kabataan sa vaccination program ng gobyerno ay sinasabing may masamang epekto sa mga nakatanggap ng bakuna ngunit hindi pa dinadapuan ng dengue.

“Pero ito ay hindi salitang patapos dahil gaya ng sinabi ko, pag-aralan ang mga datos, pag-aralan ang dokumento, magsasagawa tayo ng malawakan, malalimang imbestigasyon para maipalutang ang buong katotohanan,” dagdag pa nito.
Una ng iginiit ni Senador Ralph Recto na nararapat lang i-refund ng Sanofi ang P3.5 bilyong ibinayad sa pagbili ng Dengvaxia at sunding ang Government Procurement Reform Act na nagsasabing maaring ibalik ang halagang ibinayad ng pamahalaan gamit ang buwis.
Sa ilalim ng nasabing batas ay maaring i-reimburse ng Sanofi ang naturang halaga dahil ang lahat ng government purchases ay sakop ng mandatory warranty.
Samantala, una narin inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagpapahinto sa pagbebenta, pamamahagi at pagkalat ng Dengvaxia sa merkado upang makaiwas sa dalang panganib ng nasabing bakuna.
Hinikayat din ng FDA ang mga health professionals na maging alerto sa pagkalat ng Dengvaxia at i-report agad ang mga kaso ng malubhang sakit or pagkamatay ng isang pasyenteng nauna ng nakatanggap ng dengue vaccine.
Source: (Netizen.co)
No comments:
Post a Comment