Para maiwasan ang Constitutional Crisis sa gitna ng holiday celebration, nagdesisyon ang Senado na sundin ang utos ng Korte Suprema na pakawalan si Aegis Juris Fraternity leader Arvin Balag Huwebes ng gabi.
Kinumpirma ni Senator
Panfilo Lacson, Chairman ng Senate Public Order and Dangerous Drugs, na
ipinaalam sa kanya ng Senate Office of Sergeant at Arms ang release ni Balag.
Paglilinaw ni Lacson,
hindi pa umano lusot si Balag na Grand Praefectus o Presidente ng Aegis Juris
Fraternity ng UST Faculty of Civil Law na isinasangkot sa pagpatay sa UST Law
freshman na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Sa ngayon ay iginalang
muna ng Senado ang Supreme Court Resolution na nag-utos ng interim release ni
Balag bago ang final ruling ng Korte sa kaso.
Pero sinabi ng Senador
na hindi isinusuko ng Senado ang kanilang karapatan at pag-uusapan nila ang
kalayaan ni Balag sa tamang panahon.
No comments:
Post a Comment