FAKE NEWS: BALITANG PATAY na ang DRIVER na SINAMPAL sa VIRAL VIDEO! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, December 21, 2017

FAKE NEWS: BALITANG PATAY na ang DRIVER na SINAMPAL sa VIRAL VIDEO!


“Fake news”

Kumakalat ngayon sa social media ang balitang pinatay ang taxi driver na si Virgilio Doctor.

Ayon sa article, pinagbabaril umano si Mang Virgilio ng riding in tandem nang ito ay papauwi na sana mula sa pamamasada. Itinuturong utak si Interior sa sinasabing pamamaslang sa taxi driver.

Matatandaang si Mang Virgilio ang taxi driver na sinampal at pinagmumura ng nakagitgitang call center supervisor na si Cherish Sharmaine Interior matapos makagitgitan sa kahabaan ng Congressional Avenue sa Quezon City.

Sa katunayan, nilinaw naman ito ni Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters’ Safety and Protection at kasalukuyang abugado ni Mang Virgilio, na hindi totoo ang kumakalat sa social media.

Ayon kay Inton, buhay na buhay pa ang 52 taong gulang na taxi driver at pursigidong ituloy ang kaso laban kay Interior.

Kaya naman hinimok ni Inton na itigil na ang pagkakalat ng naturang article. Babala ng abugado, maaari nilang sampahan ng kaso ang mga nasa likod ng pagkakalat at pagbuo ng naturang fake news.

WATCH:  NETIZENPH


No comments:

Post a Comment