Mga transport Group, dismayado
kay Senador Grace Poe dahil sa mga binitiwang pangako nito mahigit dalawang
taon na ang nakalilipas.
Ayon kay LTOP President
Orlando Marquez kung hindi pa nangyari na nagbanta si PISTON National President
George San Mateo na malawakang tigil pasada ay hindi pa umano naalala ng
Senadora ang kanilang hanay.
Mas mabuti pa umano si
Senador JV Ejercito dahil inimbitahan ang kanilang grupo noong lunes upang
alamin kung ano talaga ang tunay na problema sa hanay ng transportasyon.
Wika ni Marquez, noong
2015 pa umano ay nangako si Poe na kakausapin niya ang mga transport lider
upang alamin kung ano ang problema sa kanilang hanay pero hanggang ngayon umano
ay hindi pa rin sila naalala ng Senadora.
No comments:
Post a Comment