Wagi ang isang Pinay na si Jessica Eribal sa katatapos lamang na Mrs. International 2017 na ginanap sa Grand Balloon Orchid Country Club Singapore.
Tinalo ni Eribal ang mahigit 50 na naggagandahang mga misis sa iba't ibang panig ng mundo.
Noong Miyerkules naman, ika-6 ng Disyembre, ay nakuha rin ng isang pinay na si Jannie Loudette Alipo-on ang korona sa Miss Tourism International na ginanap sa Malaysia.
Tinalo nito ang 49 na mga kandidata.
No comments:
Post a Comment