Pagdeklara sa CPP-NPA bilang mga TERORISTANG GRUPO, dapat idinaan muna sa PROSESO -ani Lacson - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Tuesday, December 5, 2017

Pagdeklara sa CPP-NPA bilang mga TERORISTANG GRUPO, dapat idinaan muna sa PROSESO -ani Lacson




Hinimok ni Senator Panfilo Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte na idaan muna sa legal na proseso ang pagdedeklara niya sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA) bilang mga teroristang grupo.



Ayon sa Senador, para magawa ito, kailangan munang harapin ang “legal issue of proscription” sa halip na basta na lang lagdaan ang isang proklasmasyon tulad ng ginawa ng pangulo.



Ipinaliwanag rin ng senador na sa ilalim ng Human Security Act ay dapat dinala muna ng Department of Justice (DOJ) sa regional trial court ang nasabing isyu.

Nakasaad kasi aniya sa Section 17 ng nasabing batas na DOJ ang gagawa nito upang ang regional trial court na ang magbibigay ng due process tulad ng due notice at right to be heard sa panig ng CPP-NPA bago sila tuluyang maideklarang mga terorista.



Sa pag-anunsyo ni Roque tungkol sa paglagda ng pangulo sa nasabing proklamasyon, sinabi rin niya na naatasan na si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na maghain ng petisyon sa RTC sa Maynila upang opisyal na maideklarang terorista ang CPP-NPA.

Kaugnay nito, nagbabala si Roque na sinumang mahuhuling nagpopondo o sumusuporta sa CPP-NPA ay pananagutin na sa batas.

Source

No comments:

Post a Comment