Patay ang tinaguriang ‘Cobra King’ ng Lalawigan ng Sorsogon
matapos matuklaw ng alagang ahas noong
Sabado ng umaga sa Sorsogon City.
Ayon pa sa pamilya ng biktima, Sabado ng umaga ng basta na
lamang itong tinuklaw sa kaliwang kamay ng alagang cobra na inilagay niya sa
u-box ng motorsiklo.
Naipit umano sa u-box ang buntot ng cobra kaya nang buksan
ito, bigla na lamang itong nanuklaw.
Dahil sa galit, pinugutan ni Lenturio ng ulo ang alagang
ahas at ininom ang dugo nito.
Hindi na rin nagpadala sa ospital si Lenturio at umuwi na
lamang para matulog dahil nakainom ito ng alak.
Habang natutulog, nakita na lamang umano ng kanyang anak na
bumubula na ang bibig ni Lenturio at naninigas na ang katawan.
Nakuha pang isugod sa pagamutan ang biktima subalit
idineklara na rin itong dead-on-arrival ng sumuring doktor.
Hindi makapaniwala ang pamilya sa nangyari lalo pa't ilang
beses na rin itong nakagat ng ahas ngunit nagagamot niya ang sarili.
Tinaguriang ‘Cobra King’ sa Sorsogon si Lenturio dahil sa
pag-aalaga nito ng iba’t ibang klase ng ahas mula pa nang siya ay 15-taong
gulang.


No comments:
Post a Comment