Mahina pa umano si Pangulong Rodrigo Duterte ayon kay Atty. Lorenzo “Larry” Gadon.
Si Gadon ang complainant sa inihaing impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Gadon, kung siya ang Pangulo, mas marami siyang ipinapatay kumpara sa mga namatay sa pamumuno ni Duterte.
“Masuwerte pa nga sila, kasi kung ako ang presidente, mas marami akong pinatay. Mas marami akong papatayin kung ako ang presidente, mahina pa ’yang si Digong eh,” pahayag ni Gadon.
Para kay Gadon, hindi totoong may extrajudicial killings at pakana lamang umano ang mga patayan ng mga drug syndicates.
“I don’t believe there are EJKs.’Yang mga killings na ’yan, ano ’yan, gawa rin ’yan ng mga drug syndicates,” ani Gadon.
Naniniwala naman si Gadon na sa pamamagitan ng kanyang mga ala-Digong na pronouncements ay mananalo siya sa pagka-senador sa Halalan 2019.
Tanong ng Rappler kay Gadon: “You think you can win [a Senate seat] on those pronouncements?”
“Yes. Not only that, eh kung ’yun ’yung gusto kong gawin eh, I will really do it, kapag ako nandiyan,” dagdag pa ni Gadon.
No comments:
Post a Comment