May apela si ABS-CBN veteran journalist Karen Davila kay President Rodrigo Duterte kaugnay sa passport application system ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay Davila, dapat munang ayusin ang mahabang pila na dinaranas ng mga nag-a-apply para sa passport bago isulong ang pagbabago sa sistema ng gobyerno.
“Dear Mr President, bago ang pagbabago ng sistema ng gubyerno ayusin muna ang passport application sa DFA. Bakit nagkakaganito?! Simpleng passport nagwawala mga tao – walang appointment, nagkagulo sa pila sa Manila City Hall. Sabi nyo ayaw nyo ng pila – unahin na ito please,” ani Davila.
Inilunsad ng DFA ang Passport on Wheels bilang sagot sa problema ng online application system nito.
Subalit, sa isinagawang mobile passport application sa Manila City Hall, nagresulta ito sa girian at sakitan ng mga aplikante.
Hindi malinaw para sa mga aplikante kung alin sa mga nagpa-register online at walk-in ang aasikasuhin ng DFA.
Inireklamo naman ng ilang mga nakapila ang mabagal pa rin na proseso sa passport application, malayo sa layunin ng DFA sa paglulunsad ng programa.
No comments:
Post a Comment