Tinabla ni Abdon Balde Jr., isang Commissioner sa Komisyon sa Wikang Filipino, si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson at ang mga tagasuporta nito na nagsasabing “minor mistake” lang ang pahayag ni Uson na nasa Naga City ang Mayon Volcano.
Ayon kay Balde, hindi pagkaperpekto ang pinag-uusapan kundi ang incompetence at katangahan.
May pitong bagay ang ipinunto ni Balde kay Uson:
1. Pitong araw nang pumuputok ang Mayon;
2. Pitong araw nang laman ng local at international news and tv ang pagputok ng Mayon;
3. Usec of Communications ka, at public information ang responsabilidad mo;
4. Mahigit sampung ulit ang taas ng sweldo mo sa karaniwang government employee;
5. Buwis ng taong-bayan ang pagsuweldo at ginagastos mo sa opisina at biyahe;
6. Responsabilidad mong patunayan na hindi porke’t malakas ka lang sa Pangulo kaya ka nasa posisyon mo;
7. Obligasyon mong magbitiw sa tungkulin upang ang posisyon mo ay magampanan ng mas mahusay at mas magaling sa iyo.

“At kayong nagtatanggol sa kanya: pinuprotektahan nyo rin ba ang sariling katangahan para kung magkamali kayo ay sasabihin nyo ring minor mistake at hindi kayo perpekto?” ani Balde.
No comments:
Post a Comment