Nag
viral ang babaeng ito dahil sa dami ng kanyang niloko at sa laki ng pera na
kanyang tinangay.
Sa
katunayan, na-aresto sa entrapment
operation ang suspek sa modus na “double your money” sa Davao City.
Galing
pa ng Maynila ang suspek na si Ma. Elma Grace Castillo Corona at bumiyahe sa
Davao City para kumubra ng isang-milyong piso sa kanyang biktima.
Via
angatpilipino.org
|
Pero
nang magkaabutan na ng pera, agad siyang pinosasan ng mga pulis.
Modus
ng suspek na manghiram ng pera para gamitin sa kanyang lending company na
ipinapautang naman daw sa mga empleyado ng Bureau of Customs.
Sa
una at pangalawang bayaran, tumutupad umano si Corona pero sa pangatlo ay
ide-delay na niya ang pangakong dobleng kita.
Pinapa-recruit
pa umano ng suspek ang kanyang mga nautangan kapalit ng komisyon o referral
fee.
Tinala
ng pulisya na hindi bababa sa 400-milyong piso na ang nakulimbat ni Corona mula
sa mga nabiktima niya sa buong bansa.
PANOORIN
ANG VIDEO SA IBABA.
COURTESY: News ThatMatter
No comments:
Post a Comment