DE LIMA NANAWAGAN sa LP na IPAGLABAN ang DEMOKRASYA sa BANSANG PILIPINAS! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Saturday, January 20, 2018

DE LIMA NANAWAGAN sa LP na IPAGLABAN ang DEMOKRASYA sa BANSANG PILIPINAS!





“Sa panahon man ng kadiliman at mapaniil na pamahaaan, nariyan ang LP at ang mga naninindigang miyembro upang ipagtanggol at ipaglaban ang ating kalayaan, demokrasya at mga karapatan.”




Via newsinfo.inquirer.net

Ito ay ipinahayag ni Sen. Leila de Lima matapos ang 72nd anniversary ng kanyang partido.
Sa katunayan, nananawagan ito sa kanyang mga kaalyado sa senado lalong lalo na sa Liberal Party (LP) na dapat patuloy daw silang makipaglaban para sa mga karapatan ng mga Pilipino at para bantayan ang demokrasya ng bansa.




Via gmanetwork.com

Ipinunto din ng nakakulong na senadora na simula nang manungkulan sa pwesto si Pangulong Duterte ay libu- libo na raw ang namamatay sa kampanyang "war on drugs" at marami na rin ang mga indibidwal na nakakulong dahil sa paglaban nito sa gobyerno. Ang kampanyang war on drugs ay kumitil na daw ng 12,000 buhay, kaya ito ay madiing binabatikos ng ibat-ibang human rights advocate mapa lokal man o abroad.

“Sa pananahimik at pagwawalang kibo ng marami nating pinuno at kababayan, lalong sinasagad ng kasalukuyang gobyerno ang pagyurak sa ating Saligang Batas at pagtapak sa ating karapatang pantao,” pahayag ni De lima.

Via gmanetwork.com

“Higit pa sa ating pagiging ‘dilawan,’ higit pa sa hawak nating katungkulan o kapangyarihan, Pilipino tayong may obligasyon at nagmamalasakit sa kapwa Pilipino; Pilipino tayong nagnanais na maibalik ang ating pambansang dangal,” dagdag pa ni De Lima.




SOURCE: frontpage101

Anong masasabi niyo sa isyung ito?

Ibahagi ang inyong opinyon.




No comments:

Post a Comment